Wednesday, May 03, 2006

Para sa mga Lalaki at Babae

Got this from Miss Abbie

PARA SA MGA TANGANG LALAKE AT MAGAGANDANG BABAE TULAD NATIN
Before, hinahabol kita pero di mo ako pinapansin. Tapos isang araw nawala ako, hinanap mo ako at tinanong, "Bakit ka nagsawa?" Ngumiti ako, "Hindi ako nagsawa. Natauhan lang." Pwede mo kong lokohin pero wag kang magpapahuli sakin. Pwede mo kong palitan pero siguraduhin mong mas mahal mo siya sakin. Pwede mo kong iwan pero siguraduhin mong kaya mo. Kasi pag ako sobrang nasaktan, wala ka nang babalikan.
Ang Boys? Pag trip ka, magpapakilala. Kaibigan kuno hanggang pumorma na. Tapos pag nahulog ka na, ayun, goodbye na dahil sawa na sila. Pero dapat walang iiyak at smile lang tayo. Punyeta, anong silbi ng karma?

I fell in love and got hurt but I didn't shed too much tears nor did I ask him to love me again. Instead, I stood up proudly and said, "Ganyan talaga ang magaganda! Hindi bagay sa tanga!" Simple lang para hindi ka masaktan. Kapag minahal ka, mahalin mo din. Kapag ginago ka, gaguhin mo rin. Pero kapag umiyak ka, tanga ka! Ginago ka na nga, iiyakan mo pa? Pag iniwan ka ng mahal mo, wag mo siyang sisihin! Kausapin mo siya ng harap-harapan at sabihin mong, "Ingat, tanga ka pa naman!" Masakit pag iniwan ka ng mahal mo. Pero wag kang magagalit ng husto. Kahit papano may pinagsamahan naman kayo, diba? Kaya for the last time yakapin mo siya at ibulong mo, "Gago, kukulamin kita!"
Girls, talo daw sayo sa mga boys? Papayag kayo? Sige, pag niligawan tayo, sagot agad. Pag iniwan tayo? Ok lang. Kapag sinabi nilang, "Uy, ex ko." Alam niyo sagot diyan? "Ay, ambisyoso."

If the one you love doesn't love you back, don't get depressed. Just think about it for a while, maybe cry a bit then wipe your tears and say, "Ang weird naman niya. Di siya pumapatol sa magaganda!" You only got one life so live it well., one heart so take good care, one soul so keep it pure. One boyfriend? What a waste! Make it two or more! Sayang ganda natin!

Pag sinabi sayo ng mahal mo na ayaw na niya sayo, hayaan mo lang. Wag kang iiyak at magpapakagago! Imbis na iyakan mo siya, ngitian mo lang at sabihin mo ang ganito, "So, pano? Bye na!Naghihintay na ang kapalit mo!" Who cares about break-ups? Oo nga, masakit. Makirot sa puso. Pero tandaan mo: a break-up isn't only an end to a relationship. It's also a beginning of a new one and an end to a living hell called "ex".


--
===================================

A woman who seeks to be equal with men lacks ambition!

13 comments:

Mec said...

ahehehe

sabi nga ng Berks, ang bitter nung babae... parang nde rin sya empowered :)

anyway, happy weekend ganda!

Pepe said...

wow...la lang, napanganga lang ako sa post mo, heavy tita...:)

fionski said...

Mec sexy hottie ganda bitter nga sya. Most girls go through that, it's a stage siguro sa babae. Once you've gotten older and wiser dapat nawawala na ang bitterness sa iyo pag nakipag hiwalay ka sa bf mo.
Buntis ka na? Ay! Hehehe!

Kuya Pepe! Musta?

mari said...

musta na fions? haven't been here for a while.
ang masasabi ko lang, one has to know how to pick up the pieces when the relationship fails. tama ka dyan, as we mature nagiging iba na din ang perspective natin when it comes to relationships.

idealpinkrose said...

hi fionah, ni link kita sa blog ko. you're welcome to visit there.

masterbetong said...

ganda,

yeah bacoor ako, hayaan mo pag-uwi ko dadalawin kita sa medicion.

char said...

Hahaha, ate fionski, that was so funny! :) Excited na tuloy ako for my next boyfriend! :)

watson said...

tabi-tabi po ate fionski... may girl talk yata dito :-)

well-said pa rin naman. yung mga iba dyan, naglalaro lang so hwag ka masyado magpadala sa emosyon or else talo ka. mas liberal-minded na ngayon ang tao at medyo loose na ang morals. I'm generalizing, but better safe than sorry.

hart3d said...

i agree with you ...sabi nga e been there done that..in the end masaya pa rin ako. keep it up sis!!!

hany_nany said...

go gurl! agree ako sayo! it's their lost not OURS!hmp!

Senorito<- Ako said...

You know the song "Love hurts..." korny ano ? hahahaha...

fionski said...

Nakakatuwa mga comments dito. Hehehe.
Salamat sa mga dumalaw:
Mec, Kuya Pepe, Mari, Idealpinkrose, Masterbetong, Char, Kuya Watson, Ate Basey, Hany_nany, Senyorito.

An said...

naaliw ako doon sobra ah